Mga testigo sa mga kaso ng pagpatay, hinikayat na makipagtulungan sa imbestigasyon

Kumbinsido si Senator Richard Gordon na umiiral sa bansa ngayon ang karahasan at kawalan ng pagsunod sa batas.

Ginawa ni Gordon ang pahayag dahil sa magkakasunod na kaso ng pagpatay na naganap nitong nakalipas na dalawang linggo kung saan isa si Ako Bicol Partylist Representative Rodel Batocabe sa mga biktima.

Bunsod nito ay hinikayat ni Senator Gordon ang mga testigo na lumutang at makipagtulungan sa imbestigasyong isinasagawa ng mga otoridad.


Diin ni Gordon, mahalaga ang partisipasyon ng mamamayan sa pagresolba sa patuloy na tumataas na mga kaso ng pagpatay sa bansa at sa pagbibigay ng hustisya sa mga biktima.

Giit ni Senator Gordon sa Philippine National Police (PNP) at sa publiko, dapat masunod ang mga umiiral na batas sa bansa upang matuldukan ang karahasan at paggawa ng krimen.

Facebook Comments