Mga testigo sa pagpatay kay Kian delos Santos, dadalo sa pagdinig ng Senado mamaya

Manila, Philippines – Tiniyak ni Senadora Risa Hontiveros na nakahanda na ngayong araw ang tatlong testigo na haharap sa executive session ng Senado hinggil sa pagkamatay ni Kian Loyd delos Santos.

Ayon kay Hontiveros – humingi ng proteksyon sa kanya ang mga testigo noong dumalaw siya sa burol ni Kian.

Sinabi naman ni Atty. June Ambrosio, Legal Counsel ng mga testigo – mananatili ang kustodiya ng mga testigo kay Sen. Hontiveros.


Ang mga testigo ay may edad 13, 16 at 31-anyos na pawang mga babae.

Facebook Comments