Mga testimonya ng magkapatid na Patidongan, malaking tulong sa kaso ng pagkawala ng mga sabungero —DOJ

Naging emosyonal ang ilang kaanak ng mga nawawalang sabungero nang maghain sila ng reklamo sa Department of Justice (DOJ) laban sa ilang indibidwal kabilang na ang negosyante at gaming tycoon na si Charlie “Atong” Ang na itinuturong utak at nasa likod ng krimen.

Ayon kay Nanay Merlyn, ina ni Roel Gomez na napaulat na nawawala noon pang 2022, kahit ilang taon na ang nakalipas ay hindi pa rin niya matanggap ang sinapit ng anak.

Samantala, sinabi ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na hindi nila titigilan ang kaso hangga’t hindi ito nareresolba.

Malaking bagay rin aniya ang mga testimonya ni Julie “Dondon” Patidongan o Alyas Totoy sa pagdiin kay Ang sa kaso.

Kinumpirma naman ni Remulla na ang kapatid ni Dondon na si Elakim ang isa sa sinasabi niya noon na bagong witness na may mga mahahalagang impormasyon.

Hindi naman direktang kinumpirma ng kalihim kung kasama sa mga kinasuhan ang celebrity na si Gretchen Barretto na dating inuugnay kay Ang.

Facebook Comments