Mga tetestigo laban kay Supreme Court Chief Justice Ma. Lourdes Sereno, nadagdagan pa

Manila, Philippines – Nadagdagan pa ang mga mahistradong gustong tumestigo laban kay Supreme Court Chief Justice Ma. Lourdes Sereno sa kinakaharap nitong impeachment complaint sa Kamara.

Ayon kay ni Atty. Larry Gadon, naghain ng complainant laban kay Sereno, may nagpahatid sa kanya ng mensahe na may tatlong justices na tetestigo laban kay Sereno kahit na hindi sila imbitahin sa hearing.

Tumanggi namang tukuyin ni Gadon ang pangalan ng tatlo dahil na rin sa pakiusap ng mga ito.


Tiwala naman si Gadon na hindi aatras ang mga kasama ni Sereno sa Korte Suprema, dahil ang layunin ng mga ito ay maayos ang sistema at pamamahala sa hudikatura kaya nag-boluntaryo na rin silang tumestigo.

Hindi naman ikinagulat ni House Committee on Justice Chairman Rep. Reynaldo Umali ang pahayag ni Gadon dahil noong basahin niya ang impeachment complaint ay nakita na niya ang kamay ng mga nasa loob mismo ng korte.

Facebook Comments