Mga tetestigo sa pagkamatay ni Horacio Castillo III, isasailalim sa WPP

Manila, Philippines -Nag alok na si Justice Sec. Vitaliano Aguirre ng proteksyon sa mga makakapagbigay ng impormasyon sa pagkamatay ni UST law student Horacio Castillo III.

Ayon kay Aguirre, isasailalim nila sa Witness Protection Program ang sino mang nais magtestigo sa pagkamatay ni Castillo.

Sa mga nais aniyang malinis ang kanilang pangalan at magsasabi ng totoo, maaari lamang ang mga ito na magtungo sa kanyang tanggapan.


Wala aniyang dapat ika-pangamba ang sino mang lulutang at makikipagtulungan sa imbestigasyon ng NBI hinggil sa nasabing kaso.

Mas matakot aniya sila sa mga kumakanlong o pumapayo sa kanila na huwag lumutang dahil mga peligrosong tao ang mga ito na may mga hidden agenda.

Maaari lamang aniyang tumawag ang mga testigo sa DOJ Horacio hotline, 0995 442 9241.

Facebook Comments