Mga tikoy, prutas at mga lucky charm, bentang-benta na sa Manila Chinatown sa Binondo para sa Chinese New Year

Bentang-benta na ngayon ang mga tikoy, prutas at mga lucky charm sa Ongpin o Manila Chinatown sa Binondo, Maynila.

This slideshow requires JavaScript.

Ang iba’t ibang flavor ng tikoy ay mabibili sa halagang ₱100, ₱200, ₱300 at ₱500 depende sa sukat at laki.


Ang mga prutas na bilog tulad ng kiat-kiat ay mabibili sa ₱50-₱100 kada kilo, grapes na nasa ₱150-₱250, orange – ₱100 kada tatlong piraso at ponkan na nasa ₱10-₱20 kada isa.

Ang mga lucky charm tulad ng bracelet naman ay mabibili sa halagang ₱100-₱300 ang isa.

May mga mamahalin rin na lucky charm na pawang mga gold plated na nasa ₱300, ₱800 at ₱1,500 ang bawat isa.

Kaugnay nito, mahigpit na pagbabantay ang ipinapairal ng Manila Police District (MPD) para sa mga nais magtungo dito sa Ongpin at sa bahagi ng Binondo para sa nalalapit na selebrasyon ng Chinese New Year.

Facebook Comments