MGA TIMBANGAN SA LA UNION, ININSPEKSYON; 18 MADAYANG TIMBANGAN KINUMPISKA NG DTI

AABOT sa 139 na timbangan sa bayan ng Bacnotan La Union ang sumailalim sa inspeksyon ng Department of Trade and Industry Region 1.
Kasama ng ahensya ang miyembro ng local price coordinating council na layuning masigurong tama ang presyong ibinibigay sa mga mamimili bilang proteksyon sa kanilang kapakanan bilang consumer.
Umabot sa 18 na madayang timbangan ang kinumpiska ng DTI sa nasabing inspeksyon.

Magpapatuloy ang programa ng ahensya sa iba pang bayan nang mamonitor ang kalidad ng mga timbangan na ginagamit sa mga establisyimento, palengke at iba pa. |ifmnews
Facebook Comments