Mga tinaguriang Police Scalawags na ipinatapon sa Mindanao – dumating na sa Zamboanga, panibagong

ZAMBOANGA – Dumating na sa Zamboanga ang mga tinaguriang police scalawags.


Bago mag-alas nueve ng umaga ay lumapag sa Zamboanga airport ang C-130 plane ng Philippine Airforce lulan ang nasa 53 na mga umano’y pasaway na Philippine National Police personnel na ihinarap kay Pangulong Rodrigo Duterte.

 

Bandang 6:30 ng umaga nang lumipad ang C-130 mula sa Villamor Airbase Patungong Zamboanga.

 

Kasabay nito, sinabi ni PNP Spokesperson Sr. Supt. Dionardo Carlos na karagdagang kasong administratibo ang kakaharapin ng hindi sumipot sa send-off.

 

Panibagong kaso aniya ng insubordination at defiance to lawful order ang kanilang kakaharapin maliban pa sa ikukunsidera silang awol ng liderato ng PNP.

 

Sa tala ng NCRPO, dapat ay mahigit 200 ang kabilang sa ibibiyahe sa Zamboanga para maideploy sa basilan pero aabot lamang sa 53 ang sumipot.


Facebook Comments