Mga tinamaan ng COVID-19 sa buong mundo, mahigit 14 milyon na

Sumampa na sa 14,167,661 ang bilang ng mga tinamaan ng COVID-19 sa buong mundo.

Nasa 5,093,683 o 99% sa mga tinamaan ay mild condition habang ang 59,905 o 1% ang serious o critical condition.

Umabot naman na sa 598,262 ang mga nasawi habang 8,415,811 ang mga nakarekober sa sakit.


Nangunguna pa rin na may pinakamaraming COVID-19 cases ang Amerika, Brazil, India, Russia, Peru, South Africa, Chile, Mexico, Spain at United Kingdom.

Facebook Comments