Mga tinamaan ng COVID-19 sa Cainta, Rizal bibigyan ng sariling pulse oximeter

Kukumpletuhin ngayong araw ng pamahalaang bayan ng Cainta ang pamimigay ng tig-iisang pulse oximeter sa lahat ng mga residenteng nagpapagaling sa Coronavirus Disease (COVID-19).

Ang pulse oximeter ay ang medical instrument na gamit para ma-monitor ng isang pasyente ang oxygen level sa kanyang katawan.

Batay sa huling record na inilabas ng Municipal Health Office, umaabot na sa bilang na 638 ang tinatamaan ng COVID-19 sa Cainta, Rizal, 420 ang gumaling habang aabot naman sa 38 ang nasawi.


Facebook Comments