Manila, Philippines – Abot na sa 1,820 sako o 54,600 kilos ng water hyacinths ang natanggal na sa kahabaan ng Pasig River sa Maynila.
Ayon kay Pasig River Rehabilitation Commission Executive Director Jose Antonio Goitia, ang pagtanggal sa mga water lilies at iba pang basura ay bahagi ng isinasagawang clean up activities sa ilog na pinasimulan noong June 27,2019.
Isinasagawa ito sa tulong ng Department of Environment and Natural Resources (DENR).
Titiyakin ng PRRC at DENR na magtuloy-tuloy na ang clean up operation sa ilog at maiwasan na ang pagtatapon ng basura sa Pasig River at maging sa Manila Bay.
Ang pagtanggal sa mga basura sa Pasig River ay makakatulong din para maayos na makapaglayag ang mga sea vessels at ferry services.
Facebook Comments