Nagkasa ng kilos-protesta ang ilang mga dating empleyado ng Light Rail Transit Authority (LRTA) sa labas mismo ng Korte Suprema para kalampagin ang ilang mga opisyal nito.
Nais ng grupo na bawiin ng Supreme Court (SC) En Banc ang desisyon ng 3rd Division na pumabor sa paghahabol nila sa separation benefits at backpay.
Umalma ang mga dating tauhan ng LRTA sa pagbawi sa panalo nila sa kasong illegal dismissal na mahigit 20 taon na nilang ipinaglalaban.
Ilan din sa kanilang mga kasama ay namapayapa na kung kaya’t ang kanilang mga kaanak ang siyang nananawagan at naghahabol sa mga benepisyog dapat nilang matanggap.
Nagsagawa pa ng noise barrage ang mga raliyista kung saan sila ang mga tinanggal na empleyado bago pa man maisapribado ang LRTA.
Facebook Comments