Mga tindahan at talipapa sa Taytay, Rizal, maaaring magbukas basta’t mahigpit na ipatutupad ang social distancing

Inihayag ni Taytay, Rizal Mayor Joric Gacula na maaaring magbukas ng negosyo ang mga sari-sari store at talipapa basta’t mahigpit umanong ipatutupad nila ang social distancing upang maiwasan ang magkakahawaan ang bawat isang residente.

Ayon kay Mayor Gacula na inatasan na nito ang mga tauhan ng Taytay Philippine National Police (PNP) na mahigpit na ipatutupad, i-monitor at tiyaking nasusunod ang tamang COVID-19 protocol sa lahat ng oras ng business hours.

Binalaan din ng alkalde ang mga may-ari ng tindahan at talipapa na ipasasara nito ang kanilang mga negosyo kapag lumabag ang mga ito na ipinatutupad social distancing.


Paliwanag ni Gacula, kailangan na mahigpit siya dahil umaabot na sa 9 ang nasawi sa kanilang bayan, 41 ang kumpirmadong positibo sa COVID-19 at 12 lamang ang nakarekober kaya’t mahigpit na ipinatutupad nito ang social distancing at higpitan pa ang pagbabantay sa mga pasaway.

Facebook Comments