Mga tindahan na sobra-sobra ang patong sa presyo ng mga face mask, kinasuhan na ng DTI

Kinasuhan na ng Department of Trade and Industry (DTI) ang mga tindahan na napatunayang namamantala ng pagbebenta ng face mask.

Kabilang sa kinasuhan ay ang 18 establisyimento o wholesaler ng mga surgical mask at n95 mask sa Bambang sa Maynila.

Nabatid na ilang reklamo ang natanggap ng dti kaya:t agad silang nagsagawa ng imbestigasyon at kinasuhan ang mga natruang tindahan.


Kaugnay nito, inatasan ni Trade Secretary Ramon Lopez ang Philippine International Trading Corporation na simulan ng maghanap ng limang milyung facemask.

Ito ay para madagdagan ang lokal na supply para may magamit ang department of health at mga health workers.

Nakatakda naman magbigay ng isang daang libong surgical mask ngayong linggo ang nag-iisang kumapaniya ng face mask sa bansa kung saan apat na daang libo naman sa susunod na linggo.

Muli naman pinayuhan ng dti ang publiko na isumbong sa kanilang tanggapan ang mga establisyimentong nanamantala sa numerong 1384 o kaya ay mag-email sa consumercare@dti.gov.ph.

Facebook Comments