Natuwa ang mga tindera ng puto sa bayan ng Calasiao matapos lumakas ang bentahan ng kanilang produkto noong kasagsagan ng bisperas ng bagong taon.
Ayon sa mga tindera, umabot sa higit 50 kilo ng puto ang kanilang naibenta sa bisperas ng Bagong Taon dahil sa dagsa ng mga mamimili sa kanilang mga stall. Marami rin sa kanila ang tumanggap ng advance orders mula sa mga customer na nais iwasan ang mahabang pila.
Bagamat mataas ang demand, tiniyak ng mga tindera na tuloy-tuloy ang produksyon at walang kakulangan sa supply ng puto, na nagbigay daan upang makabawi sila mula sa ilang buwang matumal na bentahan.
Samantala, sinabi ng ilang tindera na mananatili ang kasalukuyang presyo ng puto maliban na lamang kung tumaas ang halaga ng mga pangunahing sangkap ngayong 2025. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨