Nagpadala ng notice ang ahensya ng Social Security System o SSS sa mga tindera sa ilang palengke sa Pangasinan upang mabigyan ng paalala ang mga ito na dapat sila ay magpa-miyembro.
Nasa limang libong mga tindera ang pinadalhan ng naturang sulat ng SSS kung saan isa sa mga napadalhan ay ang mga bayan ng Mangaldan, Calasiao at Dagupan City.
Nakapaloob sa sulat na dapat ay miyembro ang lahat ng tindera sa SSS alinsunod sa Article 11199 o mas kilala bilang SSS law, universal kasi umano ang naturang ahensya at dapat lahat ng tindera mula sa mababa ay dapat saklaw at miyembro nito.
Ayon sa SSS, hindi nila ililimit sa mga malalaking kompanya ang pagmiyembro sa kanila bagkus ay kasama at dapat lamang na pati rin sa mga maliliit na tindera.
Dapat na ang mismong employer din umano ang kanilang makausap upang sila ang mag-aasikaso sa proseso ng membership ng kanilang mga manggagawa.
Natuwa naman ang ilang mga manggagawa na nagtatrabaho sa maliliit na tindahan sa palengke dahil kung sakali man ay mayroon silang matatakbuhan at mapagkukunan at ang ayon din ang mga negosyante na agad na tatalima sa paanyaya ng SSS. |ifmnews
Facebook Comments