MGA TINDERA SA MAGSAYSAY FISH MARKET, IGINIIT NA LIGTAS ANG KANILANG BENTANG SHELLFISH PRODUCTS

Iginiit ng mga tindera sa Magsaysay Fish Market sa Dagupan na City na ligtas ang kanilang ibinebentang mga shellfish products tulad ng tahong sa gitna ng pagkapositibo ng coastal waters sa Western Pangasinan sa red tide toxin.

Ayon sa mga ito, hawak nila ang auxiliary receipt na nagpapatunay umanong napayagan ang pagpasok ng mga produkto, ibig sabihin ay pasok ito sa inspeksyon.

Naglalaro sa P50 hanggang P80 ang presyuhan nito sa kada kilo.

Samantala, patuloy ang isinasagawang monitoring at inspection ng LGU Dagupan sa mga ipinapasok na fish products sa lungsod.| 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments