Nag-aalala si Senator Risa Hontiveros na ang mga maliliit na tindero at tindera ang ituturo at maiipit sa pagpataw ng price freeze sa baboy at manok.
Paliwanag ni Hontiveros, kawawa ang mga tindero at tindera kung ang hindi makatwriang pagtaas sa presyo ng baboy at manok ay nangyari bago pa ito ibagsak sa kanila.
Kumbinsido si Hontiveros na maganda ang layunin ng moratorium sa price increase sa mga bilihin pero kailangang siguraduhin na hindi maiipit at mapagdidiskitahan ang mga nagtitinda sa palengke.
Sa tingin naman ni Senator Imee Marcos, baka mahirapang sumunod sa price freeze ang mga pobreng tindera sa mga palengke ng Metro Manila.
Paliwanag ni Marcos, paano nila ibebenta ng P250 kada kilo ang karne ng baboy at manok kung binili ito sa trader at byahero sa halagang P320 kada kilo.
Naniniwala naman si Senate President Pro Tempore Ralph Recto na baka sa halip maging solusyon ay mas palalain pa ng price freeze ang problema sa mataas na presyo ng manok at baboy.
Giit ni Recto, ang tamang solusyon ay ang pataasin ang supply o produksyon ng nabanggit na mga produkto.