Mga tindero ng bigas sa palengke sa Parañaque, umaaray na sa planong paglalagay ng KADIWA store sa kanilang pwesto

Sa pag-iikot ng DZXL News sa isang palengke sa Parañaque City, hiningan ng reaksyon ang ilang tindera ng bigas gayundin ang ilang mamimili. Kaugnay sa plano ng Department of Agriculture (DA) ng kanilang KADIWA Rice for All sa mga palengke sa bansa.

Ang ibig sabihin nito ay magkakaroon na ng P42 na kada kilo ng bigas sa palengke katapat ‘yan ng P50 na pinakamababang presyong alok sa mga regular na pwesto ng bigas.

Ayon kay Aling Luzviminda Joson, 25 taon nang nagtitinda ng bigas sa kanyang pwesto sa Parañaque, ngayon pa nga lang daw ay matumal na ang bentahan nila ng bigas at inaasahan na niya mas tutumal pa kapag nandiyan na ang KADIWA Store ng DA.


Dagdag pa niya na malaki ang epekto sa kanila lalo na’t ang hinahanap ng mga tao ay murang bigas kaya malaki ang mawawala sa kanilang benta.

Ayon naman kay Aling Saida, mamimili, mas pipiliin niya ang makabili ng murang bigas.

Facebook Comments