Manila, Philippines – Para maiwasan ang heat strokengayong summer season naglabas ngayon ang Department of Health ng mga tips.
Ayon kay DOH Spokesman Asec. Dr. Eric Tayag – paramaiwasan ang heat stroke, kailangan na uminom ng maraming tubig at iwasan angmga outdoor physical activities sa loob ng mahabang panahon.
Paliwanag ng opisyal – maituturing kasi na medicalemergency ang heat stroke dahil maari itong humantong sa pagkamatay.
Ang mga senior citizens aniya ang siyang pinaka-posiblengmakaranas nito, gayundin ang mga palaging exposed sa sikat at init ng arawkagaya ng mga traffic enforcers.
Nabatid na nangyayari ang heat stroke kapag nag-overheatang katawan.
Kapag hindi nagamot o nabigyan lunas kaagad ang nakaranasnito, maaring magdulot pa ito ng damage sa utak, puso at kidneys.
Kabilang naman sa mga sintomas ng heat stroke aypagkahilo, pakiramdam na parang mahihimatay, sakit ng ulo, pagka-uhaw atdehydration, at mataas na temperatura at mabilis na heartbeat, at marami pangiba.
Mga tips para makaiwas sa heat stroke ngayong tag-init – inilabas ng Dept. of Health
Facebook Comments