Mga tips para makatipid sa konsumo sa tubig, alamin!

Nagbigay ang National Water Resources Board (NWRB) ng tips kung paano makakatipid ng tubig.

  1. Siguraduhing nakasara ng maigi ang gripo upang maiwasan ang tulo at magkabit ng low volume o high pressure nozzles o flow constrictors na makakatulong sa mabawasan ang water usage ng hanggang 50%.
  2. Gumamit ng tabo at timba kaysa sa mag-shower kapag naliligo.
  3. Gumamit lamang ng baso ng tubig kapag nagsisipilyo kaysa gamitin ang gripo
  4. Bumili ng bago at water-efficient na inidoro na kumokonsumo lamang ng 2.6 hanggang 4 liters ng tubig kada flush.
  5. Itapon ang mga tirang pagkain bago hugasan ang pinggan at gamitin ang mag-imbak ng tubig sa palanggana sa paghugas ng pinagkainan
  6. Huwag hayaang umapaw ang tubig sa batya kapag naglalaba
  7. Ang nagamit na tubig sa paglalaba ay gamitin sa pag-flush ng inidoro
  8. Gumamit ng balde at tuwalya sa paglilinis ng kotse kaysa sa water hose
  9. Diligan ang mga halaman bago sumikat ang araw o pagkatapos lumubog ng araw upang maiwasang matuyo ang mga ito dahil sa vaporization.
  10. I-report ang mga sirang tubo at ilegal na koneksyon ng tubig
Facebook Comments