Mga tiwaling pulis, binalaan ng Department of Justice na hindi makakalusot sa batas

Nagbabala ang Department of Justice (DOJ) laban sa mga tiwaling pulis na inaabuso ang kanilang kapangyarihan at nasasangkot sa iligal na aktibidad.

Ito ang tiniyak ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla matapos na tatlong pulis sa Caloocan ang pormal na sinampahan ng kaso dahil sa iba’t ibang paglabag.

Kinasuhan ng robbery sa Caloocan Regional Trial Court ang isang police staff sergeant dahil sa pagtanggap ng ₱30,000 mula sa kapatid ng isang drug suspect kapalit ng paglaya nito.


Sinubukan ng pulis na tumakas pero naaresto rin sa isang kalapit na condominium.

Samantala, dalawang pulis din ang dinakip ng kanilang kabaro dahil sa pagsusugal sa loob mismo ng presinto.

Sa ngayon ay sinampahan na ng reklamong illegal gambling ang tatlong pulis na nahuli na naglalaro ng tong-its kabilang ang unang inaresto sa condominium.

Ayon sa kalihim, hindi makakalusot sa batas ang mga pulis na masasangkot sa katiwalian.

Facebook Comments