Mga tiwaling pulis ng MPD, babantayan ng People’s Law Enforcement Board

Manila, Philippines – Tututukan na ng People’s Law Enforcement Board ang mga abusadong pulis Maynila na gumagawa ng katiwalian sa kanilang mga trabaho.

Ayon kay PLEB Executive Chairperson Teresita Ang See, bilang na ang araw ng mga tiwaling pulis dahil mayroon umano silang mga hawak na kaso ng mga abusadong pulis na kanilang iniimbestigahan.

Nilinaw ni See na trabaho ng PLEB alinsunod sa Section 43 ng Republic Act 6975 na kumalap ng mga reklamo at resolbahin ang mga idinudulog ng publiko na reklamo laban sa mga abusadong pulis.


Hinimok din ni See ang publiko na makipagtulungan sa kanila at huwag matakot sakaling mayroon silang nalalaman na mayroong mga abusado o tiwaling pulis na agad makipag-ugnayan sa kanilang tanggapan o kaya’y tumawag sa kanilang hotline na ‎302-67-50 at tinitiyak nila na agad nila itong aaksyunan ang mga reklamo ng taongbayan.

Facebook Comments