
Inatasan ng Department of Transportation (DOTr) ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na parusahan ang mga drayber ng taxi at Transport Network Vehicle Service (TNVS).
Ito’y kung mapatunayang tumanggi ang mga ito na magsakay ng pasahero, lalo na ngayong panahon ng kapaskuhan.
Partikular na rito ang mga nagkakansela sa mga naka-book na biyahe dahil sa mga “alibi” tulad ng malalayong lugar at traffic.
Samantala, isa ring pag-aaralan ni Chairman Vigor Mendoza II ang legal na batayan ng surge pricing ng mga biyahe.
Una nang sinabi ng ahensya na magsasagawa ang DOTr ng public consultation sa mga TNVS companies sa Disyembre 10 upang tugunan ang mga isyu tungkol sa surge pricing.
Facebook Comments









