Masayang tinangkilik ng mga Toda drivers sa Barangay Bonuan Gueset, Dagupan City ang libreng almusal na hatid ng IFM Dagupan nitong nakaraang sabado.
Sa pag ikot ng IFM, personal nating kinamusta ang kanilang pamamasada at hinandog ang dala-dala nating masarap na lugaw at pandesal sa mga nakaparadang tricycle drivers at pedicab drivers sa nasabing barangay.
Tuwa’t galak ang naging sukli ng mga residente sa ating pagdating at sa ating libreng pa-almusal.
Layon ng ating programang i-yuda ni idol na mas mailapit at tangkilikin ng masang Pilipino ang ating mga serbisyo publiko sa balitaan at kasiyahan maging ang libreng almusal.
Abangan ang pagbisita ng buong pwersa ng IFM Dagupan sa inyong mga barangay dala ang masarap na pagkain at cash prizes sa I-yuda ni Idol. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨