Mga Tokhang Responder’s, Magtatagisan sa Sports and Disaster Olympics!

Cauayan City, Isabela- Magtatagisan ng galing sa diskarte ang mga tokhang responder ngayon araw sa isasagawang provincial sports and disaster oplympics sa City of Ilagan Sports Complex, Barangay San Vicente sa nasabing lunsod.

Ang mga partisipante na tokhang responder ay mula sa ibat-ibang munisipalidad at lungsod sa lalawigan ng Isabela bilang bahagi ng programa ng kapulisan para sa mga naligaw ng landas.

Maliban sa mga aktibidad sa palakasan o sports event ay magtatagisan ng diskarte ang mga ito kung gaano ka-alerto at talas ng isip sa pagresponde sa mga nangangailangan ng tulong sa panahon ng kalamidad.


Pinakaabangan ang mahalagang pabatid o mensahe ang bagong itinalagang Acting Regional Director P/BGen Angelito Casimiro ng Police Regional Office 02 (PR02), Provincial Director P/Col. Mariano Rodriguez ng Isabela Police Provincial Office (IPPO) at Isabela Gov.Rodito Albano III para sa mga partisipanteng tokhang responder.

Facebook Comments