San Pablo, Isabela- Nagtapos na sa Community Based Rehabiliotation Program (CBRP) ang nasa mahigit isang daang mga tokhang responders sa bayan ng San Pablo, Isabela.
Ito ang ibinahaging impormasyon ni Police Senior Inspector Jojo Turingan ang hepe ng PNP San Pablo sa naging panayam ng RMN Cauayan sa Programang Sentro Serbisyo kahapon, Nobyembre 10, 2018.
Aniya nasa mahigit isang daan umanong mga tokhang responders sa sumuko sa kanilang himpilan kung saan ay nakapagtapos na ng CBRP at aniya, wala naman na umano silang mga nakikitang bumabalik sa paggamit ng droga batay sa kanilang ginagawang monitoring.
Giit pa ng hepe, mula sa kabuuang bilang na labing pitong barangay sa kanilang bayan ay 15 dito ang drug affected at inaasahan naman nilang maidedeclarang drug cleared ang dalawang barangay sa kanilang bayan bago matapos ang taon.
Sa ngayon ay mas lalo naman umanong pinaiigting ng PNP San Pablo ang kanilang pagbabantay at pagtutok sa kanilang kampanya kontra iligal na droga upang matiyak na malinis ang kanilang bayan.