Mga tone-toneladang kamatis na hindi maibenta sa Ifugao dahil sa COVID-19 restrictions, tinutugunan na ng DA

Gumagawa na ng mga hakbang ang Department of Agriculture (DA) sa Cordillera para tugunan ang hindi naibebentang tone-toneladang kamatis sa Tinoc, Ifugao.

Ito’y dahil sa hindi pagdating ng mga buyer mula sa National Capital Region (NCR) at Region 3 dahil sa mahigpit na implementasyon ng ‘no vaccination, no entry’ policy sa mga checkpoint ng Local Government Units (LGUs).

Maging sa Bambang, Nueva Viscaya ay nakatambak na rin ang mga kamatis dahil sa kawalan din ng buyer.


Sa ulat ng DA, bumagsak na ang presyo ng kamatis sa sampung piso kada kilo mula sa apatnapung piso simula nitong mga nakalipas na mga linggo.

Facebook Comments