Pinarangalan ng Bureau of Customs (BOC) – Port of Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang top importers para sa second quarter ng taong 2022 bilang bahagi ng pagtataguyod ng malusog na kalakalan sa bansa.
Nasungkit ng Samsung Electronics Philippines Corporation ang top spot matapos makapagbayad ng duties at taxes na nagkakahalaga ng ₱528-M.
Sinundan ito ng Globe Telecom na may ₱338-million at Louis Vuitton na nakapagbayad ng ₱315 million.
Kinilala rin ang Deputy Collectors ng Port of NAIA dahil sa ipinamalas na dedikasyon na nagresulta sa tagumpay nito.
Tiniyak naman ni Port District Collector Carmelita Talusan na ipagpapatuloy ng BOC-NAIA ang pagpapatupad ng reporma at initiatives na magpapaigting sa Ease of Doing Business at Trade Facilitation.
Mananatili aniya ang kanilang pagbibigay ng de-kalidad na Serbisyo Publiko, Border Protection at Revenue Collection nang naaayon sa batas.