Mga tourist police sa MGCQ areas, pinaalerto para mabantayan ang mga lumalabag sa health protocols

Inutos ni Philippine National Police (PNP) Chief Police General Archie Francisco Gamboa sa PNP Directorate for Operations na muling paganahin at i alerto ang mga tourist police sa mga lugar na nasa Modified General Community Quarantine (MGCQ).

Ito ay dahil na rin sa anunsyo ng Department of Tourism (DOT) na bubuksan na ang mga tourist destination sa mga MGCQ areas.

Ayon kay Gamboa, kinakailangang mabantayan ng mga pulis na tuluy-tuloy na naipapatupad ang mga health protocol kahit pa pinapayagan na ang pamamasyal.


Papaigtingin aniya ang pagpapagana ng Tourist-Oriented Police for Community Order and Protection at Tourist Police Assistance Desks para mas maging epektibo ang health protocols ngayong nananatiling mataas ang banta ng COVID-19.

Bukod sa pagbabantay sa pagpapatupad ng health protocols, magbibigay rin ang tourist police ng dagdag na security operations para sa mga turista at establishment.

Facebook Comments