Mga Trabahador ng Pekeng Pagawaan ng Sigarilyo, Tumanggap ng P8,000

Cauayan City, Isabela- Bumiyahe na lulan ng limang bus ang nasa 190 stranded workers na pawang tubong Misamis Oriental matapos maging biktima ng Chinese National at salakayin ng mga awtoridad ang bodega na pagawaan ng pekeng sigarilyo sa Brgy. Palattao, Naguilian, Isabela kamakailan.

Ayon kay PMAJ. Gary Macadangdang, Hepe ng PNP Naguilian, tumanggap ang bawat isa ng tatlong libo (P3,000) mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD)Region 2 at limanlibo (P5,000) mula sa Department of Labor and Employment (DOLE) ang lahat ng trabahador bilang tulong sa mga ito na uuwi sa kanilang probinsya.

Aniya, hindi maipinta ang tuwa sa mga mukha ng mga Stranded Workers dahil makakuwi na sila sa kanilang tahanan at makakasama na nila muli ang kanilang mahal sa buhay.


Maliban dito, nagpaabot na rin ng tulong ang Local Government Unit (LGUs) ng Naguilian sa pamamagitan ng kanilang baon na pagkain hanggang sa makauwi ang mga ito sa kanilang lugar.

Nagpadala rin ng medical staff ang Rural Health Unit na siyang mangangasiwa para tiyakin ang sitwasyon ng mga nasabing manggagawa.

Kaugnay nito,nagpadala rin ng mga tauhan na pulis mula sa Mobile Force Company at Naguilian Police Station bilang police escort na siyang magbabantay sa seguridad ng nasabing bilang ng mga trabahador.

Patuloy naman na magbibigay ng seguridad ang PNP Naguilian sa bodega kung saan tuloy-tuloy pa rin ang isinasagawang imbentaryo sa mga nakumpiskang kagamitan bago idala ito idala sa warehouse ng Bureau of Internal Revenue sa Porac,Pampanga.

Facebook Comments