Mga trabahong matatag sa NCR sa gitna ng pandemya, inisa-isa ng DOLE

Sa kabila ng nararanasang COVID-19 pandemic, ipinagmalaki ng Department of Labor and Employment (DOLE) na marami pa ring “resilient” jobs sa National Capital Region (NCR).

Tinawag ng DOLE na ‘resilient’ dahil matatag pa rin ito sa harap ng pandemya.

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, ang mga trabahong ito ay sektro ng healthcare, logistics, Information technology, business process management, education at construction.


Sa ilalim ng Health Care and Wellness Sector, sinabi ni Bello na lumalakas ang demand o requirement para sa medical doctors, nurses, at radiologic technologists, pharmacists, psychologists, medical researchers at writers at wellness trainers.

“They were deployed in public hospitals, diagnostic facilities, isolation and quarantine sites, local government units, and other hospitals and COVID-19 referral facilities,” sabi ni Bello.

Sinabi rin ni Bello na nasa higit 10,000 job opportunities sa business process outsourcing (BPO) industry kabilang ang customer service representatives, technical support staff, frontline/specialists, supervisors, trainers, managers at iba pa para sa human resources at recruitment, finance, information technology at marketing sectors.

Napansin din nila ang mataas na demand sa construction sector lalo na sa heavy equipment operators at safety engineers.

“The government has significant allocation for the ‘Build, Build, Build’ program of the government in the proposed national budget for 2021 so we could expect more jobs in the construction towards the following year,” dagdag ni Bello.

Marami ring naghahanap ng online instructors sa sektor ng edukasyon lalo na at karamihan sa mga eskwelahan ay magpatutupad ng virtual at distance learning.

Mataas din ang deman para sa transport network and vehicle service (TNVS) drivers.

Facebook Comments