Mga tradisyon sa Holy Week, maaring isagawa sa maraming paraan kahit may pandemya

Hinimok ni Senador Imee Marcos ang mga Katoliko na panatilihin ang kanilang dedikasyon sa relihiyon at pag-asa sa kabila ng mga banta ng COVID-19 na makasira sa tradisyunal na paggunita ng Holy Week sa ikalawang taon.

Inihalimbawa ni Marcos na mga tradisyon na maari pa ring isagawa sa paraang makakaiwas sa pandemya ang Pasyong Mahal, prusisyon at Senakulo, Via Crucis, Pitong Wika, at mga misa para sa Linggo ng Pagkabuhay.

Ayon kay Marcos, pwede pa rin tayong sumamba kahit nasa loob ng ating mga bahay o sa online, o kahit saan pwedeng mag-isa tayo at tahimik na makipag-usap sa Panginoon.


Dagdag pa ni Marcos, ang abuloy na banal na bahagi rin ng Semana Santa ay maaring gawin sa pamamagitan pagtulong ng bukal sa puso sa mga kinakapos ngayong mahirap ang buhay.

Umaasa rin si Marcos na magpapatuloy ang kusang-loob na pagbibigay ng mga libreng pagkain at transportasyon sa mga health worker at iba pang frontliners, na una nang ginawa noong nakaraang taon sa pagsisimula ng pandemya.

Ayon kay Marcos, isa rin sa mga kabutihang maaring gawin ng mga nagpe-penetensya ay tulungan ang mga senior citizen na magpa-rehistro sa pagpapabakuna o kaya ay samahan sila sa mga vaccination center na mananatiling bukas kahit Semana Santa.

Facebook Comments