Mga tradisyonal na larong pambatang Pinoy, ipo-promote ng Council for the Welfare of Children sa darating na National Play Advocacy Week

Inihahanda na ng Council for the Welfare of Children ang aktibidad na magtataguyod sa mga tradisyunal na larong pambatang Pinoy para sa darating na National Play Advocacy Week.

Sinabi ni Executive Director ng Council for the Welfare of Children Undersecretary Angelo Tapales na gagawin nila ang aktibidad na ito bilang bahagi ng kanilang pagsunod sa itinatakda ng United Nation Convention on the Rights of the Child o UNCRC.

Ito ay hindi lamang mabigyan ng karapatan sa paglalaro ang mga batang Pinoy sa halip mahimok din sa pisikal na mga aktibidad ang mga ito at lumakas ang mga katawan.


Importante aniya na magkaroon ng physical activity ang mga bata lalo’t kagagaling lang sa pandemya ng buong mundo.

Ilan naman sa inaasahang ipo-promote na tradisyonal na larong pambatang Pinoy sa National Play Advocacy Week ay sungka, Chinese garter, tumbang preso, taguan, habulan at iba pa.

Facebook Comments