Mga tradisyunal na jeep, dapat payagan nang bumiyahe sa mga pangunahing lansangan – hiling ng transport group

Nanawagan ang Liga ng Transportasyon at mga Operator sa Pilipinas (LTOP) sa pamahalaan na payagan nang makabiyahe ang mga tradisyunal na jeep sa mga pangunahing langsangan sa Metro Manila.

Ito ay kasunod ng pagpapahintulot ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na makabiyahe muli ang nasa higit 1,000 traditional jeepneys sa 28 ruta.

Sa interview ng RMN Manila kay LTOP President Orlando “Ka Lando” Marquez, marami pa ring tsuper ang hindi pa rin nakakapamasada at hindi pa nabibigyan ng ayuda.


Kinuwestyon din ni Marquez ang pagbiyahe ng mga bus sa mga ruta na sakop ng mga jeepney.

Paglilinaw ni Marquez na suportado nila ang jeepney modernization pero hiling din niya na sana ay palakasin ang local manufacturing industry sa bansa.

Naniniwala si Marquez na sinasamantala ng technical working group ng LTFRB ang pandemya para tuluyang alisin ng tuluyan ang mga tradisyunal na jeep.

Pero hiling ng LTOP sa pamahalaan na magkaroon ng patas at maayos na konsultasyon sa mga transport group.

Facebook Comments