Mga traditional jeep sa bansa, kasama na sa service contracting program ng DOTr

Kasama na rin ang mga traditional jeep sa service contracting program ng Department of Transportation (DOTr).

Ito ang kinumpirma ni Pangkalahatang Sanggunian Manila and Suburbs Drivers Association o Pasang MASDA President Ka Obet Martin sa panayam ng RMN Manila kasunod nang nangyaring pagpupulong kahapon kasama ang FEJODAP, Alliance of Concerned Transport Organizations (ACTO), ALTODAP, 1-UTAK at si Transportation Secretary Arthur Tugade.

Ayon kay Martin, pitong bilyong piso ang inilaan ng DOTr na subsidiya para sa mga traditional na jeep na may ruta sa buong bansa.


Magsisimula aniya ito sa susunod na linggo matapos nilang makumpleto ang mga kinakailangang dokumento.

Una nang kinumpirma ni Martin na hindi na nila itutuloy kasama ang FEJODAP, ACTO, ALTODAP at 1-UTAK ang hirit na pisong dagdag pasahe matapos na doblehin ni Sec. Tugade ang fuel subsidy sa limang bilyong piso mula sa dating ₱2.5 billion.

Facebook Comments