Walang naitalang pinsala sa transmission lines at facilities ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ang pananalasa ng Bagyong Pepito.
Kasunod ito ng pag-landfall ng bagyo kagabi sa bisinidad ng San Ildefonso Peninsula sa Casiguran, Aurora.
Gayunman, nananatiling nakataas ang alerto ng NGCP hangga’t nananatili pa sa loob ng bansa si Bagyong Pepito.
Mula kaninang madaling araw, wala pang natatanggap na ulat ang NGCP kung mayroon pang naitalang damage sa mga pasilidad.
Maliban kahapon na nagkaroon ng power interruption sa ilang bahagi ng Cagayan, Kalinga at Apayao dahil sa malakas na hangin dala ng bagyo.
Naapektuhan ang power transmission services sa bahagi ng CAGELCO 1 at KAELCO nang bumigay ang Solana-Tabuk line segment.
Matapos ang ilang oras, naibalik naman agad ang serbisyo ng kuryente sa mga nasabing lugar.