MGA TRANSPORT COOPERATIVES SA ILOCOS REGION, HILING NA UMUSAD NA ANG PUV MODERNIZATION PROGRAM

Nanawagan ngayon ang mga transport cooperatives sa Ilocos Region sa pamahalaan na umusad na sana ang PUV Modernization Program.

Sa isinagawang pagtitipon ng mga lider ng iba’t ibang kooperatiba sa lungsod ng Dagupan, inihayag ng mga ito na sana ay gumulong na o maipagpatuloy ito dahil ang ilan sa kanila ay nakapag-invest o di naman ay umutang para makabili ng mga bagong unit.

Umabot na sa higit 400 raan ang modernized puvs sa buong Ilocos Region.

Samantala, kabilang din sa kanilang panawagan ang pagbaba sa interes sa pagbabayad ng modernized puvs. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments