Manila, Philippines – Magsasanib-pwersa na umano ang mga transport group para ipanawagan na ibalik na sa P10 ang minimum na pasahe sa jeep.
Sa harap ito ng sunod-sunod na namang taas-presyo sa mga produktong petrolyo.
Bukas, ipapatupad ng mga kumpanya ng langis ang P1.45 na dagdag singil sa kada litro ng diesel at gasolina habang P1.35 naman sa kerosene.
Kung susumahin, mula January 1, nasa P6.69 na ang itinaas sa kada litro ng diesel, P5.89 sa gasolina at P4.52 sa kerosene.
Ayon kay Pasang Masda President Obet Martin – magtutulungan ang iba’t ibang transport group para palakasin ang panawagan nilang taas-pasahe.
Nagbanta naman si Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate na kakasuhan ang mga opisyal ng Department of Energy dahil sa kabiguang ilabas ang utos na paghimay sa presyo ng petrolyo.
Nauna nang sinabi ng DOE na ilalabas nila ang unbundling order bago matapos ang Marso.