MGA TRAYSIKEL DRIVER NA WALANG BODY NUMBER, PINAALALAHANAN

Cauayan City, Isabela- Nananawagan ang Business Permit and Licensing Office o BPLO Cauayan sa mga traysikel drivers na hindi pa nakakapag renew ng prangkisa at body number na asikasuhin na bago pa abutan ng deadline.

Sa ating panayam kay Atty. Sherwin De Luna, Business Permit and Licensing Officer ng Cauayan City, mula sa mahigit limang libong traysikel drivers sa Lungsod ay nasa mahigit tatlong libo pa lamang sa mga ito ang nakapag renew ng body number.

Sinabi ni De Luna na habang may panahon pa ay kumuha o mag-renew na ng traysikel body number para iwas sa multa o penalty.

Mas mainam din aniya na mayroong body number para makinabang sa mga ibinibigay na tulong ng gobyerno. Una nang pinalawig ng konseho hanggang June 30, 2022 ang renewal ng body number mula sa dating deadline na March 15, 2022.

Paalala naman nito sa mga commuters na huwag tangkilikin ang mga Colorum o walang body number na traysikel para na rin sa sariling kaligtasan at tumigil na rin ang mga Colorum sa pamamasada.

Facebook Comments