Mga tren sa LRT-2, kakabitan na ng environment friendly air-conditioning units

Asahan na ang mas malamig at komportableng biyahe sa Light Rail Transit o LRT line 2.

Simula ngayong Abril, nasa 80 bagong air-conditioning units ang ipapalit sa mga lumang unit na naka-install sa mga tren.

Mas magiging environment friendly ito, energy efficient at nakakasunod sa Clean-Air Act.


Inaabisuhan naman ng pamunuan ng LRT-2 ang publiko na maglaan ng karagdagang oras dahil mababawasan ng isa ang mga bumibiyaheng tren para sa pagkakabit ng mga bagong aircon units.

Ang LRT line 2 ay train system mula Recto sa lungsod ng Maynila hanggang Santolan sa Pasig, kung saan dalawang bagong istasyon na kasalukuyang itinatayo para i-extend ang linya nito hanggang Masinag, Antipolo.

Facebook Comments