Mga tricycle at pedicab drivers, nakatanggap ng karagdagang ayuda sa Lokal na Pamahalaan ng Parañaque

Nakatanggap ng karagdagang ayuda ang lahat ng samahan ng mga tricycle at pedicab drivers kasama ang mga operators ng mga ito mula sa lokal na pamahalaan ng Parañaque.

Nabatid na kada asosasyon ng tricycle at pedicab drivers at operators ay binigyan ng Lokal na Pamahalaan ng Parañaque ng cash vouchers na nagkakahalaga ng P1,000.00.

Ito’y para pandagdag nila sa kanilang gastusin sa araw-araw lalo na’t wala silang mga biyahe bunsod na din ng ipinapatupad na Enhanced Community Quarantine dahil sa banta ng Coronavirus Disease o COVID-19.


Isa sa mga nabiyayaan ng cash vocuhers ay ang Federation of Parañaque Tricycle Operators and Drivers Association kung saan ayon sa presidente nito na si Marcelino Copia, malaking tulong ito para sa kanila lalo na’t nasa 124 ang kanilang miyembro na hindi nakakabiyahe bilang pagsunod na din sa kautusan ng pamahalaan.

Bukod sa pagbibigay ng Cash Voucher sa mga TODA/PODA members/drivers, binigyan din sila ng 10 trays ng itlog ng lokal na pamahalaan ng Parañaque.

Facebook Comments