MGA TRICYCLE DRIVER AT KASAMA NITO ARESTADO DAHIL SA ILIGAL NA SUGAL, PAMANGKIN NG ISA SA MGA SUSPEK KULONG MATAPOS SIGAWAN ANG MGA PULIS

Kalibo,Aklan- Kulong ang apat na mga kalalakihan matapos mahuling nagsusugal sa Brgy. New Buswang, Kalibo, Aklan habang kulong rin ang pamangkin ng isa sa mga suspek ng sigawan ang mga pulis na nagresponde sa lugar kahapon.
Kinilala ang mga suspek na sina Manuel Datu y Dogellio, 48 anyos, tricycle driver, Somingo Carillo y Inocencio, 30 anyos, Rolly Bautista y Naelgas, 56 anyos, tricycle driver, Jessie Sernal y Nuñez, 40 anyos, lahat ay residente ng nasabing lugar.
Nahuli sa akto ang mga suspek na naglalaro ng “Pusoy” kung saan narekober mula sa kanila ang isang set ng baraha, P805 na taya, at isang lamesa.
Ngunit habang sa kasagsagan ng operasyon ay biglang dumating ang isang lasing na lalaki na pamangkin umano ng isa sa mga suspek na kinilala kay Leo Berongo y. Malaga, 21 anyos at tubong Iloilo City.
Nanigaw at nagbitaw ng maaanghang na salita ang lalaki laban sa mga otoridad kung kayat pati siya ay inaresto rin.
Nakatakdang sampahan ng kasong Direct Assault si Berongo habang ang apat ay kakasuhan sa paglabag ng PD 1602 o Illegal Gambling Law.

Facebook Comments