Nanawagan ang pamunuan ng Cainta Rizal Government sa lahat ng mga tricycle drivers ng Cainta Rizal na makipag- ugnayan sila sa kanilang mga presidente upang mabigyan ng pantawid gutom ngayong umiiral ang EnhancedCommunity Quarantine.
Ayon kay Mayor Nieto idadaan sa mga Presidente mg Tricycle Operators and Drivers Association o TODA ang kanilang tulong para tukoy ang mga pamilyang apektado ng pagkakatigil ng kanilang mga pasada kung saan mahigit 5,000 pamilya umano ang naapektuhan.
Hinikayat din ng alkalde ang mga presidente ng Pedicab drivers, Jeepney drivers at UV express drivers na residente ng Cainta Rizal na gumawa sila ng mga paraan para makarating saMunisipyo o kaya maari siyang sa numerong 0917 5333121 upang maayos ng alkalde ang pag abot ng tulong sa mga residente ng Cainta Rizal.
Sa mga Kawani naman ng gobyerno, ipinaliwanag ni Mayor Nieto na hindi muna sila isasali dahil makukuha naman umano nila ang kabuuan ng mga sahod ng mga empleyado ng gobyerno kung saan uunahin muna nila ang talagang tunay na nangangailangan ng tulong
Dagdag pa ng alklade na tuloy-tuloy pa rin ang pamamahagi ng mga lutong pagkain ngayong araw para sa 6,000 katao na patatakbuhin ng mga Barangay sa loob ng isang buwan.