Mga tricycle driver sa Caloocan City, ikinatuwa ang natanggap na mga hygiene kit

Sinuyod ng DZXL 558 Radyo Trabaho ang buong Caloocan City upang ipamahagi ang mga hygiene kit para sa mga Tricycle driver na bumibiyahe na ngayong General Community Quarantine o GCQ.

Laman ng hygiene kits ang Unique toothpaste, Pride Detergent powder at bar, at Shield Bath Soap.

Isa sa nakatanggap ay ang 70 years old na tricycle driver na si Elmer Jack Atianza ng Kaunlaran Village C3 TODA sa Barangay 22, Caloocan City.


Aniya matumal ngayon ang kanilang kita.

Kaya naman malaking tulong ang mga hygiene kit, dahil ilang araw din siyang hindi bibili ng sabon panlaba, sabon panligo at toothpaste.

Isa ito anyang malaking saving mula sa kikitain sa mga susunod na araw lalo na ngayon na dalawang beses lang sa isang linggo siya namamasada bilang mandato ng lokal na pamahalaan ng Caloocan City.

Ang pamimigay ng mga hygiene kit sa mga TODA Driver ay isang pagbibigay pugay ng RMN Network Inc., RMN Foundation Inc. at ACS Manufacturing Inc. sa mga bagong bayani sa bayan ni Juan.

Facebook Comments