Pumayag ang GRAB Philippines na bigyan ng trabaho ang mga tricycle driver sa Quezon City na hindi pa rin nakakapamasada hanggang ngayon.
Ito ay matapos makipagpulong sina Quezon City Councilor Winston Castelo at Congresswoman Prescious Hipolito Castelo kay GRAB CEO at President Brian Cu at nakumbinsi na mabigyan ng hanapbuhay ang mga tricycle driver.
Partikular dito ang mga private riders at tricycle drivers sa District 2 sa lungsod na may limang barangay.
Ayon kay Castelo, mapapabilang sila sa GRAB delivery para maghatid ng mga frontline essential at iba pang pangangailangan gaya ng gatas, vitamins at gamot.
Para maging qualified bilang GRAB delivery rider, dapat ay edad 18 hanggang 50 at may sariling tricycle o motorsiklo.
Dapat ay marunong ding gumamit ng smartphone, may professional driver’s license, taga-Quezon City at walang ibang pinagkakakitaan ngayon.