Maagang umalis ang Pulso ng Metro team ng DZXL 558- Radyo Trabaho para sa 4th o last wave ng ating pamamahagi ng Noche Buena items sa mga masuswerteng tsuper sa Taguig City.
Kabilang sa iikutan ng team ang pitong Tricycle Operators and Drivers’ Association (TODA) sa Barangay Western Bicutan, Upper Bicutan at Pinagsama sa Taguig City.
Buwang ng Oktubre nang simulan ng DZXL 558 Pulso ng Metro team ang stickering campaign sa lungsod ng San Juan.
Sinundan ito ng Dikit Campaign sa North at South Caloocan gayundin sa Pasig City at sa Taguig City kung saan mahigit 600 tricycle ang nakabitan ng PNM at Radyo Trabaho stickers.
Nitong Nobyembre naman nang simulan natin ang pamamahagi ng Noche Nuena items at sa kabuuan 47 tricycle drivers ang nakatanggap at makakatanggap pa ngayong araw ng Noche Buena items.
Sa susunod na taon, abangan pa ninyo ang panibagong batch ng Dikit Campaign at mga pakulo ng PNM at Radyo Trabaho team.