Maari nang maging Tour Guide ang mga tricycle drivers at operators sa Alaminos City kapag tumupad sa kwalipikasyon na itinakda ng City Transportation Regulation Unit.
Ilan dito ang pagpayag na sumailalim sa pagsasanay tungkol sa basic tour guiding, customer satisfaction, turismo sa lungsod, mayroong prangkisa, presentableng sidecar, senior high school graduate, mahusay na pananalita at pleasing personality.
Bukas sa mga driver sa lungsod ang aplikasyon ngunit mas mainam kung mula sa mga barangay ng Lucap, Magsaysay,Bued, Pandan, Telbang, Victoria at Sabangan.
Ilang interesadong aplikante ang positibo dito bilang kabuhayan kasabay ng pakikibahagi sa pag-angat ng turismo. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments










