Baleg na Abala, yan ang sagot ni kuya Jhonny na namamasada ng tricycle sa bahagi ng Junction papuntang Arellano St.
sa kasalukuyang pinapataas na kalsada at pagpapalaki ng drainage canal.
Ayon sa mga tricycle drivers na nakatoka sa bahaging ito, masyado raw mataas ang isinasagawang drainage canal at natakpan na ang kanilang pwesto para sa pagpaparada ng kanilang mga tricycle, kaya ngayon mas nahihirapan silang makakuha ng pasahero at umiikot pa ang tricycle para makapasada.
Sinabi naman umano sa kanila na pansamantala lang na mararanasan ito at ipapantay naman sa taas ng kalsada ang kanilang pwesto kung saan nila ipinaparada ang kanilang mga tricycle ngunit masyado pa rin daw mataas ang 1.5 metro para sa road elevation at drainage canal.
Hindi rin umano magandang panahon ang napili para sa pagsasaayos umano nito lalo at high tide season at tuloy tuloy ang makulimlim na panahon at pag-ulan.
Alam din umano nila ang tungkol sa naganap na public hearing kahapon kung saan dininig ang mga concerns ng mga residente malapit sa konstruksyon ng naturang drainage canal at hindi na lang din umano sila dumaan dahil kailangan muna nilang mamasada dahil nga mas mahirap makakuha ng pasahero ngayon.
Noong araw ng Martes nga ay naganap ang isang public hearing kung saan dininig ang mga hinaing ng mga apektadong Dagupeño at inihayag ang kanilang hindi pagsang-ayon sa konstruksyon ng road elevations at drainage upgrades. |ifmnews
Facebook Comments