Mga tricycle sa Muntinlupa City, balik-pasada na bukas

Makakabiyahe na muli ang mga tricycle sa lungsod ng Muntinlupa simula bukas.

Ayon kay Muntinlupa City Mayor Jaime Fresnedi, layunin nito na maihatid ang mga frontliner, essential worker at mga empleyado ng mga authorized industries na papasok sa kani-kanilang mga trabaho.

Kasama na rin aniya rito ang mga head ng household na may quarantine pass na pupunta sa palengke, grocery store at drug store.


Isang pasahero lang bawat tricyle ang papayagang makasakay upang masunod ang social distancing at iba pang health protocols

Mahigpit ding ipatutupad ang temperature check sa mga tricycle terminal.

Dapat din aniya na merong dalang sanitizer o alcohol ang mga tricycle driver at i-disinfect nang dalawang beses sa isang araw ang mga tricycle.

Sa ngayon, 206 na confirmed cases ng COVID-19 na ang naitala sa Muntinlupa kung saan 32 rito ay nasawi at 138 ang nakarekober.

Facebook Comments